Wish List: Anong Pilipinong aklat pambata o pangkabataan ang gusto mong mailimbag?

1. Isang aklat pambata ni National Artist Virgilio S. Almario tungkol sa kung paano maging makata, at serye ng mga aklat na hihimok sa mga batang subukang magsulat din ng maikling kwento, awit, dula, at personal na sanaysay–upang maging bahagi ito ng malikhaing pagpapahayag sa kanilang sarili. Malaki kasing suliranin ng ating kabataan ay ang paghanap sa kanilang pagkakakilanlan, kung kaya nahuhumaling sa cosplay. Walang masama dito, ngunit sana’y magkaroon din sila ng venue upang mahanap ang kanilang panloob na pagkakakilanlan.

Ngunit, bumalik tayo sa dream book ko na isusulat sana ni Sir Rio. Sa lahat ng genre, ang tula pa rin ang pinaka-intimidating sa madla, hindi lang sa ating kultura, pero maging sa dayuhang kultura. Kung basehan ang mga kuwentong-pambatang nilikha niya, ang saya siguro matuto ng paglikha ng tula mula kay Sir Rio, kahit ito ay sa pamamagitan ng isang how-to book lamang. Sana ito ay masaya ang pagkakadisenyo at sana ito ay may mga makukulay na ilustrasyon, upang ito’y mas masayang basahin.

2. Mas maraming tunay na “picture book”–mga aklat na pasisimulan ng mga ilustrador, hindi ng manunulat. O totally walang teksto. Panahon na para makilala natin ang ating mga Shaun Tan, David Weisner, Jillian Tamaki, at Isabelle Arsenault. Ang aktibong gumagawa nito, ng pag-initiate ng ilustrador sa paglikha ng aklat, marahil, ay si Jomike Tejido. Lumalago na rin ang lokal na graphic novel industry, na nagsyo-showcase ng mahuhusay na trabaho ng mga ilustrador na Pinoy. Ngunit, napakalaki pa ng potensyal ng picture book, may mga uring hindi pa natin nakikita dito sa Pilipinas. Hindi naman tayo nagkukulang sa mga ilustrador na may kakayahang mangyari ito. Kulang tayo, marahil, sa mga premyong mala-Caldecott at siguro, mas masigasig na encouragement mula sa mga publisher. Ang Canvas books ay may ganitong layunin sa paglikha ng picture books–nauuna idevelop ang biswal bago teksto–ngunit may kamahalan lang ang kanilang mga aklat. Sana ay may pang-commercial market sila. Ang PBBY Illustrators Prize naman, sa tingin ko, ay maaaring maging daan upang mangyari ito kung siguro minsan bawat dalawang taon o salitan ng taon, iuuna nilang ilunsad ang Illustrators Prize kaysa Writers Prize.

3. Mas maraming aklat para sa mga batang may special needs. Upang tunay at tuluyang maisakatuparan ang layunin  ng Deped sa kanilang “No Child Left Behind”, kailangang bigyang-tuon at kilalanin din ang pangangailangan sa edukasyon ng mga batang may kapansanan sa pamamagitan ng paglikha ng mas inclusive na lipunan para sa kanila. Ang unang-unang hakbang ay ang pagturo ng pag-unawa sa mga batang walang kapansanan. Sa aking palagay ay malaki ang magagawa ng mga aklat na pumapaksa sa 1)  “anti-bullying”,  2) mga specific na kapansanan ngunit sa mas sensitibong pamamaraan gaya ng “Xilef”, 3) araw-araw na buhay ng mga batang may kapansanan–sila ay mga bata rin!

4. Ang maraming mga kuwentong nasa mga notebook ko!

Libre lang naman ang mangarap.

notebooks

Maligayang Pambansang Araw ng mga Aklat Pambata!

Dream Date: Sinong manunulat o ilustrador ang nais mong makasama sa isang araw/gabí?

Rene O Villanueva 070915

Sa liit ang industriya ng children’s publishing sa Pilipinas, halos lahat magkakakilala, at halos lahat, magkakaibigan–sa personal o sa social network–kaya halos updated sa mga buhay-buhay ng isa’t isa. Nguni’t may isang manunulat akong nais sanang maka-date nang minsan pa, sa isang Dream Date—pero siya ay namayapa na. Kaya siguro mas maganda kung araw ‘yung date namin, para ‘di naman nakakatakot.

Si Rene O. Villanueva ay itinuturing ng maraming manunulat, maging ng ilang ilustrador ng aklat pambata, na kanilang mentor. Isa na ako doon sa magsasabing kahit paano’y naging “estudyante” niya. Noong siya ay nabubuhay pa, siya ay nagturo sa UP. Minsan din siyang naging creative director ng pambatang palabas-TV na Batibot, kung saan isa sa mga manunulat sa kanyang grupong pinangungunahan ay si Augie Rivera, na ngayo’y isa na ring premyadong manunulat ng aklat pambata.

Noong unang nalimbag ang aking unang aklat pambata, ang “Estrellita” (Adarna House, 1995), sinwerte ako na ako ang manunulat at ilustrador nito. Ngunit dahil nagtapos ako ng Fine Arts sa UP, mas ilustrasyon talaga ang linya ko. Ang tangi kong edukasyon sa malikhaing pagsulat ay ang pagbabasa ng maraming akda, at ilang mga workshop na aking nadaluhan kapag nakakakuha ako ng pagkakataon mag-VL (vacation leave) mula sa trabaho ko sa advertising. Sa UP National Writers’ Workshop at sa Barlaya ko unang nakasalimuha si Rene bilang panelist namin, noong ako ay nagsisimula pa lamang magsulat. At nang lumaon, naitatag namin ng ilan sa aking batchmates sa 1995 UP Writers’ Workshop ang Kuwentista ng mga Tsikiting (KUTING) sa paghihikayat na rin ni Rene at ibang mga panelists naming sina National Artist Virgilio S. Almario, Prof. Amelia Lapena-Bonifacio, at Prof. Mailin Paterno-Locsin, lagi namin siyang naaasahan maging panelist para sa mga workshop naming inoorganisa. Napaka-mapagbigay niya ng mga nakakatulong na puna sa workshop. Lagi rin namin siyang nakakasama sa maraming kaganapan sa larangan ng panitikan, gaya ng National Children’s Book Day, book launches, UP Writers’ Night, Manila International Book Fair, atbp.

Sa wakas ay nagkaroon ako ng pagkakataon maglarawan ng isang aklat ni Rene. Ngunit sing-bilis ng aking pag-oo ay siya ring bilis ng aking pagbawi. Dahil sa bigat ng trabaho sa opisina, hindi ko siya matatapos sa deadline, kaya minabuti ko nang umatras, humingi ng paumanhin, kaysa mabitin pa siya at ang publisher, at tuluyang ma-delay ang proyekto. Nagtampo siya. Matagal niya akong hindi kinausap at hindi pinapansin kapag magkikita kami. Ngunit isang araw noong 2001, laking gulat ko na lang nang tawagan ako ng Tahanan Books, at tinatanong nila ako kung maaari ko raw bang ilarawan ang bagong aklat ni Rene, ang “12 Kuwentong Pamasko.” Siyempre, pumayag agad ako!

12 Kwentong Pamasko

Ang saya ko. Tila napatawad na niya ako. At mabuti naman ay wala na akong iba pang ginawa na ikakasama ng loob niya hanggang namayapa siya noong 2007. Masaya ako at nagkaroon ako ng maraming pagkakataong makausap siya ulit, at minsan-minsan ay tanungin siya kung ano talaga ang sikreto niya sa pagsulat. Palagi, ang sagot lang niya ay:

“Sumulat ka lang nang sumulat.”

So pag nag-date kami ulit, hindi ko na siya ulit tatanungin kung ano ang sikreto niya, kasi tiyak ngingiwian lang ako n’un. Magkakape na lang kami at magtsitsismisan gaya ng dati, pagkatapos ay ipapapirma ko na ang kopya ko ng “12 Kuwentong Pamasko.” At, bago maghiwalay, titiyakin na magseselfie, magpapasalamat ako, at magpapaalam nang maayos. May iisa lamang kaming letrato na magkasama kami, sa booksigning ng aming aklat sa MIBF sa Philtrade noong 2001, pero hindi ko na ito mahanap. Ngunit mas malala—wala pala akong ni isang autograph niya sa mga kopya ko ng aklat niya!

Ano ang paborito mong aklat pambata?

anton dindo

Tuwing tatanungin ako ng tanong na ito, iba-iba ang aking sagot—dahil napakarami ng aking paboritong aklat! Hindi rin makakatulong na tanungin ko itong si Kulit, kasi may sarili din siyang listahan. Kaya para sa kontribusyon kong ito sa blog tour ng NCBD 2015, sinikap kong pumili na lamang ng apat na aklat na kasalukuyang top-of-mind ko. At heto sila, in no particular order:

xilef

XILEF
Augie Rivera/Beth Parrocha Doctolero
Adarna House, 2000

Mula 2000 hanggang ngayon, para sa akin, nananatili ang Xilef bilang isang akdang natatangi sa paglalarawan ng isang batang may special needs. Well-researched at sensitibo ang pagkakasulat ni Augie Rivera. Hindi sensationalized at stereotypical ang pagsasalarawan ng dyslexia; sa halip ay nagbibigay ito ng kalinawan sa dati ay isang mahirap intindihing learning disability. Naniniwala ako na kung may mas malinaw na pag-unawa ang mga batang Pilipino (maging ang kanilang mga magulang) ngayon tungkol sa dyslexia, ito ay sa malaking bahagi dahil nabasa nila ang Xilef. Hindi tumigil si Rivera sa pagtawag ng pansin sa dyslexia; maingat niyang inilarawan ang mundo ng batang si Felix sa paraang makikita ng mambabasa ang araw-araw na mga challenges na hinaharap nito sa pagbabasa. Mahalaga ito sa depiksyon ng ganitong espesyal na paksa. Kapag stereotypical ang paglalarawan ng kapansanan ay lalo lamang itong nakakasama imbes na nakakabuti. Naeexploit ang subject matter para lamang sa dramatic effect nito. Dapat tanggalin na ang pokus sa mga kakatwang katangian ng kapansanan at ilipat ito sa paglalarawan ng punto de bista ng taong may kapansanan, sa layuning baguhin na ang prevalent habit na ibahin sila mula sa tipikal, ibukod sila sa kanilang sariling mundo. Mahalaga ring kunin ang pag-unawa–sa halip na awa–ng mambabasa, at tuluyan nang tanggalin ang stigma sa pagkakaroon ng kapansanan, upang ang kalahatan ng lipunan ay tuluyan nang maging inclusive. Malaki ang responsibilidad ng manunulat sa pagsulat tungkol sa mga espesyal na paksa gaya ng dyslexia, at sa Xilef naipakita ni Rivera kung paano ito magandang gawin.

Magaan ang paghawak ni Rivera sa kanyang paksa, sa pamamagitan ng paglalarawan sa dyslexic na si Felix bilang isang batang may malikhaing imahinasyon. Maliban sa kanyang kapansanan, si Felix ay isang karakter na engaging at relatable. Sa madyik ng pag-iisip at kamay ni Beth Parrocha Doctolero, si Felix ay isang kyut na superhero na lumilipad sa makulay na kalawakan ng mga lumulutang na titik at asteroids.

gupit

ANONG GUPIT NATIN NGAYON?
Russell Molina/Hubert Fucio
Adarna House, 2012

Bilang anak ng isang taong minsang nagtrabaho bilang barbero, damang-dama ko ang punto de bista ng batang lalaki sa kuwento. Mula una kong bertdey hanggang nag-15, ang tatay ko lang ang gumugupit sa akin at sa aking 5 nakababatang kapatid. At iisa lang na estilo: chin-length na blunt cut. At ayaw niyang pahahabain ko ang aking buhok. Mas malinis daw tignan pag maiklli. Pero simula nang mag-16 ako, walang man lang paliwanag (hindi ko na rin siya tinanong) ay binigyan na niya ako ng allowance mga 4 hanggang 5 beses isang taon para magpunta sa parlor at magpa-style ng buhok. Kaya nagpakulot ako at nagpakulay ng buhok.

Nakakaaliw ang kuwento ni Russell Molina. Isa siyang ekspertong kuwentista na kaya kang paluhain sa kakatawa at walang babala, bigla-bigla kang paluluhain sa isang pihit lang—dahil sa isang gunita, o sa kuwentong ito, sa biglang pagtanto ng barberong tatay ni Eboy na binata na pala ito. May kurot sa dibdib ko tuloy pagdating sa bahaging tinanong si Eboy ng tatay niya, “Gupit binata ba iho?” Ganito rin kaya ang naisip ng Tatay ko nang napansin niyang ayaw na naming magkakapatid magpagupit sa kanya?

Gusto ko ang mapaglarong isip ni Eboy, na nahuli ng sing-mapaglaro at kakatwang mga biswal ni Hubert Fucio. Pinakanaaliw ako sa pagkalarawan kay Eboy at kanyang tatay nang nakabaligtad. Magtataka ka kung bakit sila baligtad. (Binaligtad ko ang pahina upang tignan kung mas mukhang tama sa paningin, pero mas mukhang tama ang komposisyon pag nakabaligtad dahil ang visual weight talaga ay nasa ibaba ng pahina.) Sa palagay ko ay sadyang inilarawan ni Fucio ang eksena nang baligtad—at marahil (dahil lamang may barberya dati ang tatay ko noong ako ay maliit pa kaya ko ito naisip), si Eboy ay nakatingin sa sarili niya sa bilog na salamin na nakaanggulo at nakapuwesto nang mataas sa dingding ng barberya (isang bagay na hindi na nakikita ngayon sa mga modernong barberya at parlor.) Matanong ko nga mamaya ang tatay ko.

dindo

DINDO PUNDIDO
ni Jomike Tejido
Adarna House, 2012

Ang “Dindo Pundido” ni Jomike Tejido ay may mga sangkap ng isang magandang kuwento: 1) temang mahusay ang pagkakabuo; 2) isang bida na nagdaan sa isang malaking pagbabago sa kanyang katauhan (o, mas tama ata, ka-alitaptapan); 3) isang paksang interesante sa mga bata—mga alitaptap; at 4) isang kawiliwiling plot. Dahil dito, paborito kong gamitin itong aklat bilang halimbawa sa aking pagtuturo ng mga workshop sa malikhaing pagsulat. Madali kong naipapakita sa aking mga estudyante ang mga elemento ng maikling kuwento at nailalarawan ko sa kanila ang bisa ng mga ito. Bukod dito, ang “Dindo Pundido” rin ay isa rin sa mga unang paboritong aklat ni Kulit. Dahil simple at payak ang kuwento, maaari itong bigyan ng mga matalinhaga—-bukod sa literal–na pakahulugan. Gusto ko ang mensahe ng kuwento. Maaring gamitin ang mga aklat na ganito sa bibliotherapy. Hinihimok nito ang batang mambabasang hanapin ang kanyang lakas sa kabila ng kanyang kahinaan, upang malampasan ang kanyang limitasyon o kahit anumang balakid sa kanyang minimithi.

Nasa ikalawang edisyon na ang “Dindo Pundido”. At sa pagitan ng unang pagkalimbag nito noong 2002 at 2012 ay mapapansin ang pag-mature ng estilo ni Tejido bilang ilustrador. Sa unang edisyon, kahanga-hanga ang paggamit ni Tejido ng medium na hindi pa gaano nagagamit noong mga panahong iyon sa ilustrasyon ng mga aklat-pambata, ang luwad. Ngunit sa ekspertong paghawak ni Tejido sa digital medium sa ikalawang edisyon, mas lalong umangat ang pananarinari ng kulay at texture ng mga halaman sa hardin na nagmistulang kagubatan.

baboy

ANG UNANG BABOY SA LANGIT
Rene O. Villanueva at Ibarra C. Crisostomo
Cacho Publishing House, 1991

Dahil, unang-una, sa mga linyang ito:
“Walang silbi ang baboy na hindi naging litson!
Walang halaga ang baboy na
hindi man lang naging tsitsaron!

Sobrang nakakatawa!

Ngunit bukod at higit sa nakakaaliw, ang “Ang Unang Baboy sa Langit” ay may importanteng mensahe tungkol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng integridad at ideyalismo sa kabila ng kakulangan nito sa lipunan. Kahanga-hanga si Butsiki dahil hindi siya nagpatalo sa “peer pressure” at pinanatili niya at pinanindigan niya ang kanyang mga paniniwala at mga pagpapahalaga (values) sa kanyang paghanap ng kanyang life purpose. Sa mas malalim na talakayan, ang “herd mentality” dito ng mga baboy ay maaaring tignang talihhaga para sa umiiral na masamang kaugalian sa lipunan, at si Butsiki ay maaaring tignan bilang pag-iisip na antiestablishment. 1991 pa nang unang nalimbag ang aklat na ito, panahong pre-digital. Narinig ko nang naikwento ng publisher na si G. Ramon Sunico kung paano mabusisi ang pagkakagawa ng mga ilustrasyon ni Ibarra C. Crisostomo. Kung tama ang pagkaalala ko, ang bawat kulay ay ibinukod ni Crisostomo sa magkakahiwalay na layer, kumbaga manual ang color separation. Sulit ang pagod ni Crisostomo. Ang resulta ay isang napakakulay at napakasayang aklat na isa ngayong klasiko sa panitikang pambata.

So, you want to write for children? Some tips for newbie writers.

1960022_10152010259691045_1946113946_nEspecially for Prof. Hazelle Preclaro Ongtengco’s EDR 121 class.

Write for a specific child. She may or may not be real, but it helps to fix this child in your mind as you write your story. What makes her happy? What makes her sad? What scares her? What are her dreams? Knowing the answers to these questions provides us with a clue as to which details we need to include as we flesh out our story. The Devil is in the details, as they say. They spell the difference between a blah story and one that will resonate with the reader. Talking to a specific child, you also learn to eliminate details which are unnecessary. Sometimes writers cull details from their lives, and most of the time, these details from personal reminiscences which are so meaningful to the writer are totally useless or irrelevant to the reader. Some writers try to get around the problem by writing footnotes which explain details in the story, but unless it is a biographical or historical story which allude to certain events, writers will do better to avoid bothersome footnotes.

Fixing the age of your target reader helps you decide the storytelling style, as well as the diction. Stories for preschoolers hardly have plots.  Because they are read to or are just beginning to read, the vocabulary and syntax are simple. Middle readers, on the other hand, are more sophisticated readers and look at reading as an adventure, and enjoy thicker, more complicated plots.

The child in you is always the best audience. It’s the child you know best; you know her even better than your own child.

Help your reader along. When you decide to write for children, you take on a huge responsibility. Inevitably, your stories will help shape your readers’ view of the world. Take it upon yourself to teach, explain and enlighten–but the challenge is how to do these creatively, and without talking down to your audience. Incorporate your explanation as naturally, for instance, in your descriptions, or in your character’s moment of insight.

Avoid ambiguity in your writing. All too often, clarity gets sacrificed for the sake of style. Always strive to be clear first, before being clever.

Show, don’t tell. When writing picture books, bear in mind that the book is also visual, so you don’t really need detailed descriptions. The less words, the better for picture books. When you’re writing for older readers, remember that you can always employ dialogue to advance the plot. Do not make your story too cut-up-and-dried by narrating and explaining everything to your reader–unless, of course, you want to make for a boring read. Always engage your reader.

Avoid mentioning real people, company or brand names. Instead, make up names that evoke similar associations in the reader, especially if the specific name is central to the plot. Using made-up names helps you avoid the problematic issue of inadvertently defaming real people or organizations.

Make sure your main character undergoes a transformation. To make your story a worthwhile read, your main character should always be a different person by the end of your story. It helps if you know more about your character than you will actually use in the story. The amount or quality of transformation your character goes through also depends on the age of your target reader. For younger readers, needless to say, the character is transformed by as little as a change of opinion about a certain thing. For instance, a character who is scared to go to the doctor at the beginning of a story might conclude, by the end, that a visit to the doctor is not so bad after all.

Featured Writer: Karen Patricia M. Reyes

Last March 15, I was invited by Prof. Hazelle Preclaro Ongtengco to be guest lecturer at her EDR 121 class at the UP College of Education. Rather than talk about the process of writing, I made the students experience the process themselves by giving them what was supposed to be a 30-minute writing exercise. (Some of the students asked that they be allowed to take home their stories so they can polish them.) I wanted to prove to the kids that it is possible to think up and write a story in as little as 30 minutes.

I am featuring one of those stories. I found this story by Karen Patricia M. Reyes very charming and engaging–a heady, exhilarating magical ride back to childhood.

madyik sofa illus

Illustrated by May Tobias Papa

Pagkagising ko, bumangon ako kaagad. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kuwarto ni Kyle, ang nakababata kong kapatid. Agad kong hinila ang kamay niya at sumigaw nang, “Uy, gumising ka na! Laro na tayo!”. Bumuka yung mata niya pero pumikit ulit. Hinila ko ulit yung kamay niya sabay sigaw nang, “Uy, gumising ka na sabi, eh! Mauubusan tayo ng oras niyan.” Sa wakas ay bumangon na rin si Kyle at sabay kaming bumaba ng hagdan.

May dalawang mahahabang sofa sa aming sala. Yung malapit sa salamin ang kanya at yung mas malapit naman sa pinto yung akin. Agad naming tinanggal ang 2 kutson ng aming sofa at iniligay ang mga ito sa gilid ng sofa para magsilbing mga pinto ng aming sasakyan.

“Ay, nakalimutan natin yung kambyo!”, sabi ko kay Kyle. Agad siyang umakyat para kunin ang dalawang pahabang alkansya na gagamitin naming kambyo. Ang mga unan naman ng sofa ang nagsilbing manibela namin.

“Saan ka pupunta ngayon, ate?”, tanong ni Kyle.

“Hmm… Baguio, siguro.”

“Dala ka ng jacket kasi malamig doon,” muling wika ni Kyle.

“Ah, tama!”, sabi ko naman bago tumakbo paakyat upang kunin ang jacket ko sa aparador. “Eh, ikaw?”, tanong ko naman kay Kyle pagkababa ko.

“Sa ibang planeta. Pero isasama ko sina Dinosaur at Elephant sa pagpunta,” sagot naman niya. Umakyat muli si Kyle upang kunin ang mga laruan niyang isasama niya sa paglalakbay pero bago siya makalayo ay sumigaw ako nang, “Kunin mo na rin si Bear para maisama ko sa Baguio!”.

Nang handa na ang lahat ay bigla naman kaming tinawag ni Yaya Yolly para kumain ng almusal, “Kakain na. Mamaya na ang laro.” Kaya naman iniwan muna namin sina Dinosaur, Elephant, at Bear sa aming mga sasakyan upang kumain ng almusal.

Pagkakain namin, dumiretso kami sa aming mga sasakyan. Nagpunta kami ni Bear sa Baguio at binaba ko ang mga bintana para makapasok ang malamig na hangin. Sina Kyle, Dinosaur, at Elephant naman ay tumungo na sa ibang planeta. Pagkaraan ng ilang minuto ay nainip na ako sa Baguio. “Parang masaya doon sa ibang planeta ah. Lagi nalang kasi akong pumupunta dito sa Baguio. Eh kung sumama nalang kaya tayo kina Kyle?” tanong ko kay Bear. “Kyle, sunduin niyo naman kami dito! Naiinip na kami sa Baguio, eh”, sigaw ko kay Kyle.

“Ang hilig mo kasing pumunta diyan, eh,” sagot ni Kyle habang tumatawa. Nang lumipat kami ni bear sa sasakyan ni Kyle ay tawa kaming nang tawa dahil ang sikip na sa loob. “Ang dami kasi natin eh,” dagdag ni Kyle.

Tumuloy na kami sa paglalakbay at tumigil sa isang berdeng planeta. Bumaba kami ng sasakyan upang mag-ikot. Bigla naman kaming sinalubong ng mga alien na kamukha ng isang karakter sa isang TV cartoon. Nakipagkilala kami sa kanila at nakipaglaro pagkatapos. Habang naglalaro kami ay tinawag muli kami ni Yaya Yolly para naman kumain ng tanghalian kaya naman nagpaalam muna kami sa aming mga bagong kaibigan. Inimbitahan rin namin silang bumisita sa aming planeta sakaling magka-oras man sila. Sumakay na ulit kami sa sasakyan at naglakbay pabalik ng aming planeta upang kumain.

Pagkatapos kumain ay bumalik kami sa aming sasakyan. “Naku, Ate, wala na tayong gas,” sabi ni Kyle.

“Doon nalang tayo sa sasakyan ko,” sagot ko naman sa kanya. Kasama sina Dinosaur, Elephant, at Bear, lumipat kami sa aking sasakyan.

“Saan naman tayo pupunta ngayon?”, tanong ni Kyle.

“Umikot-ikot nalang tayo sa kalawakan para pagmasdan yung mga bituin,” sagot ko sa kanya. “O sige, pero magbabaon lang ako ng Krunchees para kapag nagutom tayo doon. ”Pagkakuha niya ng baon ay ipinaandar ko na ang sasakyan patungo sa kalawakan.

“Ate, o, mukhang aso yung mga bituin!” wika ni Kyle.

“Yung isa naman mukhang kamay”, sabi ko sabay turo sa isang parte ng sala. Nang wala na kaming magawa ay kumanta nalang kami ng mga kantang itinuturo sa amin sa paaralan. Nahiga kami hanggang tuluyang nakatulog sa aming sasakyan.

Pagkagising namin ay napansin kong medyo dumidilim na sa labas. Kinain muna namin ang baong Krunchees bago maglakbay muli pauwi. Nadaanan namin ang planetang berde pauwi at nakita kong kumakaway sa amin ang mga kaibigan namin doon. “Kyle, nag-bababay sa atin yung mga alien, o!”, wika ko.

Binuksan ni Kyle ang bintana at kumaway pabalik sabay sigaw ng, “Babalik kami bukas. Hintayin ninyo kami!”. Pagkarating namin sa bahay ay bumaba na kami ulit sa sasakyan at nakipaglaro pa kina Dinosaur, Elephant, at Bear. Maya-maya ay lumabas ulit si Yaya Yolly mula sa kusina upang tawagin kami para maghapunan.

“Tara na, Kyle. Ayusin na natin sa dati yung mga sofa kasi parating na sina Mama,” sabi ko kay Kyle. Ibinalik na namin ang mga kutson at unan sa dati nilang kinalalagyan sa mga sofa. Ibinalik na rin namin ang alkansya at mga laruan sa kwarto. Bumaba kami muli upang kumain ng hapunan. Habang kumakain ay nagkwentuhan pa kami ni Kyle tungkol sa mga lugar na napuntahan namin at sa mga kaibigang nakilala namin.

“Ate, punta ulit tayo doon bukas, ha?” sabi ni Kyle.

“Oo naman!”, sagot ko.

A review for “A Day in the Market (Araw sa Palengke)” at Digital Storytime!

scaled_MarketDay

Published in print in 2008 by May Tobias-Papa, A Day in the Market won the Philippine’s National Children’s Book Award for Best Reads in 2010. As a digital app, it has light animation and some nicely tailored interactivity. There are also a couple simple games that tie into this charming narrative, exploring a traditional market in Southeast Asia. The story is told in the first person by a young Filipino girl who is excited to travel with her ‘nanay’ (Filipino for mommy/mummy) on Market Day. The pair rides a bus that bounces along before exploring the crowded stalls of fresh meats, fish and produce.

Beautifully illustrated pages and a lovingly crafted narrative expose young readers, ages 5 and up, to the sights and sounds of a busy marketplace. The excitement and bustle of the day are fun to explore from the child’s vantage point. The games could be more educational with a bit more development of the theme of cooking and traditional Filipino foods, but they are certainly engaging to the target audience. It would also be nice to see highlighting added with the narration, along with hints to explain the interactive touch-points.

Read Carisa Kluver’s whole review here.

I have a dream job. and it really all started with a dream.

%d bloggers like this: