Category Archives: Childhood

Wondergirl Ilay

Wonder IlayImage copyright © 2017 May T Papa

I met Ilay in 2012. Mama Lyzeth told me that we will get along well, because Ilay loves books.

True enough, when Ilay and I met, we instantly became friends. She had just undergone a very delicate operation that took out a large tumor from between her eyes. But from her wide smile, her very quick and playful manner, it didn’t seem as if she had just gone through something very scary and painful. She was only four years old.

She must have some kind of superpowers, I thought. Amazing kid!

Ilay and her mother live in Bataan. They just come to Manila for Ilay’s treatments. Even if I wanted to visit her, Bataan was just too far away. Years passed, I was able to see Ilay grow up, through the photos Mama Lyzeth shared on her Facebook page.

“Ilay’s first day in school” Mama Lyzeth captioned one photograph. “Ate Ilay makes it to the Top 5 in class,” she captioned another. I was happy Ilay was growing up to be a happy, smart, and pretty young lady.

Last Sunday, Mama Lyzeth sent me a PM. And then I saw Ilay’s new pics. Apparently all these years, Ilay has still been very sickly.

“Things are not looking look good for Ilay,” Mama Lyzeth wrote. “The infection in her blood has reached her brain. She continues to fight, but we expect to lose her anytime now. She is already very weak.”

At age 9, brave Ilay is fighting her bravest fight yet, but her mortal body cannot keep up anymore. We are lifting Ilay up to God, in whose loving arms she can finally find comfort and rest.

Nakilala ko si Ilay noong 2012. Nasabi ni Mama Lyzeth na magkakasundo kami, dahil napakahilig ni Ilay sa libro.

Noong magkakilala kami, agad nga kaming nagkaibigan ni Ilay. Noo’y kakalampas pa lamang niya sa isang delikadong operasyon na nagtanggal ng malaking tumor sa pagitan ng kanyang mga mata. Ngunit di mo ito mababakas sa napakalaki niyang ngiti at liksi ng kilos. Tila walang nakakatakot o masakit na pinagdaanan. Apat na taon pa lamang siya.

Baka may superpowers siya, naisip ko tuloy. Pambihirang bata!

Ngunit sa Bataan nakatira si Ilay at ang kanyang nanay. Lumuluwas lamang sila kapag magpapagamot si Ilay. Gusto ko man siyang dalawin ay napakalayo ng Bataan. Sa kabila ng lahat, sa paglipas ng panahon, nasubaybayan ko ang kanyang paglaki mula sa mga letratong ibinabahagi ni Mama Lyzeth sa Facebook.

“Unang araw ni Ilay sa paaralan,” ani Mama Lyzeth sa isang letrato. “Top 5 si Ate Ilay,” aniya naman sa isa. Nakakatuwang makitang lumalaki si Ate Ilay na isang masiyahing, matalino, at magandang dalagita.

Bigla na lang noong Linggo, pinadalhan ako ng mensahe ni Mama Lyzeth. At nakita ko ang mga bagong larawan ni Ilay. Sa kabila pala ng kanyang masasayang letrato, sakitin pa rin pala si Ilay.

“Hindi maganda ang lagay ni Ilay,” aniya. “Umakyat na ang impeksyon niya sa dugo sa utak. Patuloy pa rin siyang lumalaban, ngunit ‘di na namin siya inaasahang magtatagal. Napakahina na ng kanyang katawan.”

Sa edad 9 na taon, ang pambihirang si Ilay ay lumalaban sa pinakamalaking laban ng kanyang buhay, ngunit hindi na kakayanan ng kanyang katawan. Itinataas namin ang aming pinakamamahal na si Ilay sa kandungan ng Panginoong Diyos, kung saan siya makahahanap ng ginhawa at pamamahinga.

Advertisements

Featured Writer: Karen Patricia M. Reyes

Last March 15, I was invited by Prof. Hazelle Preclaro Ongtengco to be guest lecturer at her EDR 121 class at the UP College of Education. Rather than talk about the process of writing, I made the students experience the process themselves by giving them what was supposed to be a 30-minute writing exercise. (Some of the students asked that they be allowed to take home their stories so they can polish them.) I wanted to prove to the kids that it is possible to think up and write a story in as little as 30 minutes.

I am featuring one of those stories. I found this story by Karen Patricia M. Reyes very charming and engaging–a heady, exhilarating magical ride back to childhood.

madyik sofa illus

Illustrated by May Tobias Papa

Pagkagising ko, bumangon ako kaagad. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kuwarto ni Kyle, ang nakababata kong kapatid. Agad kong hinila ang kamay niya at sumigaw nang, “Uy, gumising ka na! Laro na tayo!”. Bumuka yung mata niya pero pumikit ulit. Hinila ko ulit yung kamay niya sabay sigaw nang, “Uy, gumising ka na sabi, eh! Mauubusan tayo ng oras niyan.” Sa wakas ay bumangon na rin si Kyle at sabay kaming bumaba ng hagdan.

May dalawang mahahabang sofa sa aming sala. Yung malapit sa salamin ang kanya at yung mas malapit naman sa pinto yung akin. Agad naming tinanggal ang 2 kutson ng aming sofa at iniligay ang mga ito sa gilid ng sofa para magsilbing mga pinto ng aming sasakyan.

“Ay, nakalimutan natin yung kambyo!”, sabi ko kay Kyle. Agad siyang umakyat para kunin ang dalawang pahabang alkansya na gagamitin naming kambyo. Ang mga unan naman ng sofa ang nagsilbing manibela namin.

“Saan ka pupunta ngayon, ate?”, tanong ni Kyle.

“Hmm… Baguio, siguro.”

“Dala ka ng jacket kasi malamig doon,” muling wika ni Kyle.

“Ah, tama!”, sabi ko naman bago tumakbo paakyat upang kunin ang jacket ko sa aparador. “Eh, ikaw?”, tanong ko naman kay Kyle pagkababa ko.

“Sa ibang planeta. Pero isasama ko sina Dinosaur at Elephant sa pagpunta,” sagot naman niya. Umakyat muli si Kyle upang kunin ang mga laruan niyang isasama niya sa paglalakbay pero bago siya makalayo ay sumigaw ako nang, “Kunin mo na rin si Bear para maisama ko sa Baguio!”.

Nang handa na ang lahat ay bigla naman kaming tinawag ni Yaya Yolly para kumain ng almusal, “Kakain na. Mamaya na ang laro.” Kaya naman iniwan muna namin sina Dinosaur, Elephant, at Bear sa aming mga sasakyan upang kumain ng almusal.

Pagkakain namin, dumiretso kami sa aming mga sasakyan. Nagpunta kami ni Bear sa Baguio at binaba ko ang mga bintana para makapasok ang malamig na hangin. Sina Kyle, Dinosaur, at Elephant naman ay tumungo na sa ibang planeta. Pagkaraan ng ilang minuto ay nainip na ako sa Baguio. “Parang masaya doon sa ibang planeta ah. Lagi nalang kasi akong pumupunta dito sa Baguio. Eh kung sumama nalang kaya tayo kina Kyle?” tanong ko kay Bear. “Kyle, sunduin niyo naman kami dito! Naiinip na kami sa Baguio, eh”, sigaw ko kay Kyle.

“Ang hilig mo kasing pumunta diyan, eh,” sagot ni Kyle habang tumatawa. Nang lumipat kami ni bear sa sasakyan ni Kyle ay tawa kaming nang tawa dahil ang sikip na sa loob. “Ang dami kasi natin eh,” dagdag ni Kyle.

Tumuloy na kami sa paglalakbay at tumigil sa isang berdeng planeta. Bumaba kami ng sasakyan upang mag-ikot. Bigla naman kaming sinalubong ng mga alien na kamukha ng isang karakter sa isang TV cartoon. Nakipagkilala kami sa kanila at nakipaglaro pagkatapos. Habang naglalaro kami ay tinawag muli kami ni Yaya Yolly para naman kumain ng tanghalian kaya naman nagpaalam muna kami sa aming mga bagong kaibigan. Inimbitahan rin namin silang bumisita sa aming planeta sakaling magka-oras man sila. Sumakay na ulit kami sa sasakyan at naglakbay pabalik ng aming planeta upang kumain.

Pagkatapos kumain ay bumalik kami sa aming sasakyan. “Naku, Ate, wala na tayong gas,” sabi ni Kyle.

“Doon nalang tayo sa sasakyan ko,” sagot ko naman sa kanya. Kasama sina Dinosaur, Elephant, at Bear, lumipat kami sa aking sasakyan.

“Saan naman tayo pupunta ngayon?”, tanong ni Kyle.

“Umikot-ikot nalang tayo sa kalawakan para pagmasdan yung mga bituin,” sagot ko sa kanya. “O sige, pero magbabaon lang ako ng Krunchees para kapag nagutom tayo doon. ”Pagkakuha niya ng baon ay ipinaandar ko na ang sasakyan patungo sa kalawakan.

“Ate, o, mukhang aso yung mga bituin!” wika ni Kyle.

“Yung isa naman mukhang kamay”, sabi ko sabay turo sa isang parte ng sala. Nang wala na kaming magawa ay kumanta nalang kami ng mga kantang itinuturo sa amin sa paaralan. Nahiga kami hanggang tuluyang nakatulog sa aming sasakyan.

Pagkagising namin ay napansin kong medyo dumidilim na sa labas. Kinain muna namin ang baong Krunchees bago maglakbay muli pauwi. Nadaanan namin ang planetang berde pauwi at nakita kong kumakaway sa amin ang mga kaibigan namin doon. “Kyle, nag-bababay sa atin yung mga alien, o!”, wika ko.

Binuksan ni Kyle ang bintana at kumaway pabalik sabay sigaw ng, “Babalik kami bukas. Hintayin ninyo kami!”. Pagkarating namin sa bahay ay bumaba na kami ulit sa sasakyan at nakipaglaro pa kina Dinosaur, Elephant, at Bear. Maya-maya ay lumabas ulit si Yaya Yolly mula sa kusina upang tawagin kami para maghapunan.

“Tara na, Kyle. Ayusin na natin sa dati yung mga sofa kasi parating na sina Mama,” sabi ko kay Kyle. Ibinalik na namin ang mga kutson at unan sa dati nilang kinalalagyan sa mga sofa. Ibinalik na rin namin ang alkansya at mga laruan sa kwarto. Bumaba kami muli upang kumain ng hapunan. Habang kumakain ay nagkwentuhan pa kami ni Kyle tungkol sa mga lugar na napuntahan namin at sa mga kaibigang nakilala namin.

“Ate, punta ulit tayo doon bukas, ha?” sabi ni Kyle.

“Oo naman!”, sagot ko.

Origami

ORIGAMI

Marjorie M. Evasco

This word unfolds, gathers up wind
to speed the crane’s flight
north of my sun to you.

I am shaping this poem
out of paper, folding
distances between our seasons.

This paper is a crane.
When its wings unfold,
The paper will be pure and empty.

When I was a little girl, Mommy used to fold origami animals out of colorful paper for me. She found time to make these for me at the end of the day, after she had finished all her household chores, and we would sit indian-style on the bed in the master bedroom. She had a kit which included a booklet and several sheets of colored paper, and she would let me choose which animal I wanted her to make.